ni Ed de Leon .
ANO, si Governor Vilma Santos sumasakay sa mga public transport?
Totoo iyan. Hindi magawa iyan ni Governor Vi sa Pilipinas dahil na rin naman sa kanyang status, at sa kanyang popularidad dito. Tiyak na pagkakaguluhan siya. Pero kung nasa abroad, sumasakay siya sa mga public transport system kagaya ng tren. Ganoon naman ang lahat ng mga tao sa abroad eh. Hindi siya kagaya ng iba na kailangan pa na business class. O kailangan may rented limousine.
Riyan mo makikita iyong upbringing eh. Kung minsan iyong hindi naman sosyal, nagpipilit na magpaka-sosyal. Iyong sosyal naman talaga,dahil sawa na sila sa ganoong buhay, naghahanap sila ng simpleng buhay ng karaniwang tao. Iyan ang mas maka-masa.