TALBOG – Roldan Castro .

Superstar Actress Nora Aunor during a visit to the Inquirer office in Makati City. Thy Womb won three awards for Mendoza at the recently concluded Venice International Film Festival.
ARNOLD ALMACEN/INQUIRER
NAALIW kami na nakiuso si Nora Aunor sa Dubmash ng Twerk it Like Miley na emote-emote lang siya pero hindi naman siya nagda-dub. Kumalat ito sa social media.
Halo-halo ang reaksiyon sa Dubmash ng Superstar. May pumapabor at mayroon ding mga KJ na hindi raw akma sa status ni Ate Guy na nakikita siya sa ganoon at viral sa social media.
Ano ba, masa naman ang image ni Nora at masama ba na magpakatotoo siya? Hindi naman scandal ang ginawa niya para magpaka-OA pa sa reaksiyon, ‘no?!
Samantala kung nasa waiting list ang pelikula ni John Lloyd Cruz sa Metro Manila Film Festival, laglag din ang Kabisera entry ni Ate Guy. Sad to say kaya hindi siya nakaalis na magpa-opera dahil sa offer na filmfest entry.
Sayang ang panahon dahil marami na rin ang nag-aabang na bumalik ang boses niya para makagawa siya ulit ng album at makapag-concert.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com