UNCUT – Alex Brosas .
USAP-USAPAN ang twerk ala-Miley Cyrus na ginawa ni Maja Salvador last Sunday sa ASAP na kasama niya si Enrique Gil.
Mayroong na-cheap-an sa ginawang pagsayaw ni Maja, mayroong nalaswaan pero mayroon ding nagtanggol sa dalaga.
“Cheap nman???? WALANG PINAGKAIBA SA MGA AGOGO DANCERS NG ERMITASAYANG ANG GANDA IF YOU JUST DO THIS CHEAP STYLE,” say ng isang ayaw kay Maja.
“Hindi Ko nagustuhan . Nalaswa-an ako sa panunuod. .. opinion ko lang. Kung sa bagay. Very liberated na talaga mga tao ngaun. Pambihira na lang ang Maria Clara ..for my opinion those kinds of dance is just meant to be in the private and for those party people, not in public for all to see. especially with young children watching, probably some those men who are watching really likes it.. opinyon ko lang,” say naman ng isa pa.
“dami namang basher kay maja at ung mga nang bash akala ko naman kung anung ka sexyhan at kagandahan tss.. pinoy talaga napakamanghusga akala mu kung sinu umasta parang walang nagawang mali hahays,” said one Maja defender.
Ganito rin ang feeling ng isa pang fan who said, “Go maja…keri lang hayaan mo ung mga bashers dahil sabi nga walang gamot sa insecurities so hanggang ganyan nalang ung mga tao na nababalot sa ingget lol…hahaha lahat gwin mo idol kc marami kapang blessings na matatanggap…para sa pamilya mo at sa sarili mo sa future mo…ung mga nag comment ng di maganda problema na nila yan hindi problema ni maja…hahaha i love u maja…muappp super princes ng dance floor talaga muapp.”