UNCUT – Alex Brosas .
AYAN, nasermunan ang production ng Pari Koy dahil sa maling eksenang ipinalabas.
Sa isang scene kasi ni Dingdong Something ay nag-perform siya ng exorcism, bagay na kinuwestiyon ni Fr. Daniel Estacio, sa isa sa anim na exorcists sa Archdiocese of Manila.
Mali raw ang eksena na nagmakaawa ang character ni Dingdong who said, ”Maawa ka na sa kanya… Ibalik mo na siya sa kanyang ina.”
Para kay Fr. Estacio, ”misleading” ang eksena dahil in reality ay hindi “merciful” and evil spirits.
“The episode sends a wrong message that we can plead with the demon, as if it has mercy and compassion. This is very misleading,” sabi niya as posted in one Facebook fan page.
“When a priest-exorcist performs an exorcism and expelling demons, he is not and should not make a plea or request the demon to leave but rather command the demon or evil spirit with authority using the name of Jesus,” dagdag pa niya.
O, ayan, writers ng Pari Koy, nasermunan na kayo.