UNCUT – Alex Brosas .
MATIGAS ang panga nitong si Jennylyn Mercado na mag-deny na siya ang ka-holding hands ni Dennis Trillo nang makunan sila ng photo habang naglalakad sa Greenhills recently.
Nakuha pang mag-deny ni Jennylyn gayong mayroong photo bilang ebidensiya na kahawak-kamay niya si Dennis nang maispatan silang naglalakad sa Greenhills recently.
Actually, medyo malabo ang shot, ‘yung isa ay nakatalikod pa sila, pero kahit na. Silang dalawa naman talaga ang nasa photo, ‘no at iyon ang paniwala ng marami sa social media.
Ano ba ang feeling ni Jennylyn, ang ganda-ganda niya dahil pinag-uusapan sila ni Dennis? Na tanga ang mga tao dahil paniwala nila ay silang dalawa ang magka-holding hands while walking?
Hindi pa maamin-amin ni Jen na nagkabalikan na sila ni Dennis. Until now ay in denial pa siya.
Nakatatawa ang babaeng ito. Hindi mapanindigan ang mga pinaggagagawa sa buhay.