UNCUT – Alex Brosas .
VERY intriguing ang cryptic message na ipinost ni Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account recently.
“If you got somebody who will ride through thick & thin and hold it down for you, don’t ever play them. You’ll end playing yourself.”
Iyan ang palaisipang mensahe ng dyowa ni John Lloyd Cruz.
Natsitsismis na hiwalay na sila ni Papa Lloydie kaya naman marami ang nagtatanong kung patungkol ba iyon sa relasyon nila ng actor.
Nang kumalat na hiwalay na sina Angelica at John Lloyd ay kaagad na pinabulaanan ito ng aktres.
Isang ”parang tanga lang ang naglabas niyan” ang kanyang naging depensa. Mukhang naayos naman ang gusot sa kanila kaya naman todo deny siyang split na sila. Sabi pa nga niya recently sa Gawad Urian ay susunduin niya ang actor sa airport, pagpapatunay na hindi sila hiwalay.
May another post pa si Angelica na ikinaloka rin ng followers niya. She posted a photo of her na wala pang tulog for four days with this caption: ”Four days without proper sleep. Ikinaganda ko rin naman. Walang konkontra. Ang kumontra inggitera.”