MAKATAS – Timmy Basil
MAGALING sa badminton ang dating sexy star na si Ynez Veneracion. Bow ako rito kay Ynez dahil two consecutive years na laging siya ang champion sa PMPC Badminton Tournament.
Kaya pala hanggang ngaon ay sexy pa rin ni Ynez gayong malakas naman itong kumain. Diosmio, nakakaubos siya ng anim na barbeque stick ‘no pero tingnan mo naman ang kanyang figure, parang Magtatahong days pa rin.
Kasama si Ynez sa pelikulang Salonista at base sa eksena na nasaksihan ko, talagang aktres na aktres si Ynez ay palagi siyang take one. Puring-puri siya ng director ng Salonista na si Sandy Es Mariano.
Ang maganda pa kay Ynez, talagang marunong siyang humawak ng pera at isa siya sa mga sexy star noon na talagang nakapag-ipon at nakapagpundar ng kung ano-ano.