NO PROBLEM DAW – Letty G. Celi .
ANG ina ay ina, kahit anong tama o mali pa ng anak, mahal pa rin niya, natural lang sa ina na kagalitan ang anak, pero pagtatama lang kung anong mali ng anak. Kaya sabi may away daw ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion at hindi raw nagkikibuan. Wee!
Hindi kaya ‘no! Nagpipista kayo, mga katoto at tutok marino kayo sa balitang war ang mag-ina. Sabi na-insecure raw si Mega dahil mas slim si KC sa kanya! Ganoon!?
Sabagay, ang ganda-ganda ni KC, korteng-korte ang katawan, slim! Maganda rin naman si Megastar, kaya nga lang super tsuba, parang hindi na kayang mag-zumba-zumba, diet, jogging at mga aparato sa gym. Eh, ang alam ko, ‘pag may problema si Megastar, mas maganang kumain, at saka minana ni Megastar ang size ni Mommy Elaine, (late mom niya) malapad ang balakang at tabain!
A, basta, mother and daughter pa rin ang relasyon nina Sharon at KC, at hindi na mababago ‘yun! Ang bait kayang anak ni KC!