Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim at Kiko, ‘mahal’ na ang tawagan pero ‘di pa raw mag-on

 

MA at PA – Rommel Placente . 

061015 kim rodriguez  kiko estrada

SABI nina Kim Rodriguez at Kiko Estrada, magkaibigan pa lang sila at hindi pa mag-on.

Nanliligaw pa lang daw si Kiko kay Kim at willing siyang maghintay kung kailan siya nito sasagutin.

Hindi ‘yun totoo. Ang totoo ay mag-on na sila. Ang tawagan nga nila ay ‘Mahal’. Narinig namin ‘yun mula mismo kay Kim nang tawagin niya si Kiko.

Nakasama kasi namin ang dalawa noong dumalo kami ng birthday party ng aming common friend na si Arlene. Tawa nga ng tawa si Kim noong niloloko namin siya na ‘mahal’ ang tawagan nila ni Kiko.

Ewan ba namin dito kina Kiko at Kim kung bakit kailangang i-deny pa nila ang relasyon nila. Para namang makaaapekto sa career nila kung aamin sila, ‘di ba? Sila naman kasi ang loveteam, makaaapekto ‘yun sa kanila kung sa iba sila itinatambal.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …