TOTOO kaya itong naririnig namin na gumagamit na naman daw ng droga ang isang mahusay na aktor?
Ang mga kaibigan daw mismo nitong aktor ang nagpapatunay nito.
Sinasabihan nga raw nila ang aktor na huwag na ulit gumamit ng drugs dahil baka ipasok siya ulit sa rehabilitation center ng kanyang mga magulang. Pero deadma lang daw itong si aktor, tuloy pa rin daw ito sa paggamit ng droga.
Hindi nito pinakikinggan ang payo ng kanyang mga kaibigan.
Sino itong si aktor? Kapag may nabalitaan kayong aktor na ipina-rehab ulit, siya na ‘yun.