HINDI pa rin pala mabuo-buo ang cast ng Etiquette for Mistress dahil tinanggihan ito ni Judy Ann Santos.
Yes Ateng Maricris, tumanggi si Juday sa papel na kabit at wala namang ibinigay na dahilan sa amin ang aming source.
Noon pa man ay naramdaman na naming hindi tatanggapin ng aktres ang papel na ‘kabit’ dahil unang-una, may mga anak siya at ayaw niyang pagtatanungin siya ng mga ito.
Pangalawa ay may MTRCB TVC nga sila ng asawang si Ryan Agoncillo tungkol sa kabit na napapanood ng anak nila at tinanong sila kung ano ang ibig sabihin ng ‘kabit.’
Ikatlo, baka nga totoo ang hinala ng misis ni Ryan na buntis siya na matagal na nilang binubuo.
At panghuli, pinaghahandaan ni Juday ang serye nila ni Richard Yap na Someone To Watch Over Me.
As of now ay nananatiling tikom ang bibig ng mga taong nakapaligid sa aktres kung buntis siya o hindi.
Ikaw Ateng Maricris, ano hula mo?
FACT SHEET – Reggee Bonoan