ni Alex Brosas
MARUNONG umeksena itong si Janice de Belen.
Agaw-eksena siya sa premiere night ng movie nina Richard Yap, Ellen Adarna, Dennis Trillo and Maja Salvador recently. Ninakaw niya ang eksena na dapat sana ay para sa cast ng movie nang yakapin niya nang mahigpit si Maja.
Aware si Janice na mayroong isyung siya ang third party sa hiwalayan nina Maja at Gerald Anderson pero nagsalita na ang ex-couple na wala siyang kinalaman doon.
Sa kanyang pagpunta sa premiere night at sa pagyakap niya kay Maja ay tinalbugan niya ang cast ng movie. Talagang sa kanya naka-focus ang camera. Marunong talaga siyang umeksena, right?
Anyway, masyadong trying hard ang lola na ito. Parang uhaw sa publicity. Ang gusto yata niya ay lagi siyang nasa limelight.