Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanggol patay sa saksak ng kaaway ni tatay

052815 FRONTCEBU CITY – Patay ang isang sanggol na sinabing nadamay sa pananaksak ng kaaway ng ama habang siya ay karga, kamakalawa.

Kinilala ang sanggol na si Edbert Liao, anim-buwan gulang, habang ang ama ay si Ralph Randy Sevilla, 39, residente ng Sitio Fatima, Hi-way Tagunol, Brgy. Basak-Pardo, lungsod ng Cebu.

Ayon kay SPO2 Rommel Bancog ng Cebu City Police Office Homicide Section, karga ng ama ang kanyang anak nang biglang lumapit ang suspek na si Richard Fhidel Lariego II, 38, kapitbahay ng mga biktima.

Sinasabing dumating ang suspek dahil sa personal na dahilan ngunit nauwi ito sa hindi mainitang pagtatalo.

Inilabas ng suspek ang kutsilyo mula sa kanyang tagiliran at agad sinaksak si Sevilla.

Ayon kay SPO2 Bancog, habang nakikipagbuno ang ama ay nasaksak ng suspek ang sanggol na kalong ni Sevilla.

Nabatid na tinamaan din ng saksak ang ama sa leeg at braso habang ang sanggol ay sa dibdib.

Agad naitakbo sa ospital ang mga biktima ngunit ilang minuto lang ang lumipas ay binawian ng buhay ang nasabing sanggol.

Samantala, sa isinagawang hot pursuit operation ng Pardo Police Station agad naaresto ang suspek na nakatakda nang sampahan ng kaso.

Matandang alitan ang nakikitang motibo ng kapulisan sa nangyaring krimen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …