EXCITING ang real-life bromance na ito ng dalawang young actors. Si Actor A ay dati nang natsitsismis na bading, but he manages to camouflage his sexual orientation sa pamamagitan ng pagkakaugnay niya sa isa niyang katrabaho sa iisang estasyong kanilang pinaglilingkuran.
Mas makulay namang ‘di hamak ang gay life ni Actor B dahil noong kabataan pala niya’y suki siya ng mga Ms. Teen Gay. Nag-lie low lang siya sa kanyang kabaklaan nang mag-artista at mapabilang sa isang late-night weekend show.
Sa ngayon, mas lumawak na ‘ika nga ang career horizon ni Actor B nang hawakan ng isang batikang director-manager, dahil nailipat na nito ang aktor sa kalabang network where he met Actor A.
Ang pagkukrus ng landas ni Actor A at ni Actor B sa “family-oriented” network led to their bromance. Itago na lang natin ang magdyowang ito sa alyas na Dencio at Martee.