ni Vir Gonzales.
HINDI pala nanghihinayang ang fans ni Marian Rivera dahil hindi natuloy ang serye nito na pinalitan ni Rhian Ramos. Ayaw pala ng mga nanay na makikipaghalikan at iibig si Yan-yan sa kapwa babae. Ayaw nilang maging isang tomboy o lesbian si Marian.
Imagine ang ganda-gandang babae, sa rami ng lalaki, sa kapwa babae pa mai-inlove.
Tutol sila. Isang malaking sugal sa GMA ang uri ng istorya ng katomboyan. Mag-eenjoy tiyak sa istorya ang mga grupo ng mga tiboli.
Isa pa masama kasi kay Marian ang magpuyat at magpagod. First baby nila ito ni Dingdong Dantes kaya’t dapat alagaang mabuti.