MAY ilang young fans ni Grae Fernandez ang nakahuntahan namin after na mag-guest ng guwa-ping na anak ni Mark Anthony Fernandez sa youth oriented show na Luv U ng ABS CBN last Sunday.
Gumanap si Grae sa natu-rang episode ng Luv U bilang si Carter na best friend ni Madeline, isang mayamang teena-ger na kamukha ni Shirley na ginagampanan naman ni Sharlene San Pedro.
Dahil dito, may ilang young fans ni Grae ang nagsasabi na baka raw puwedeng gawing regular na sa Luv U si Grae. Ganoon kalakas ang dating ni Grae sa fans. Actually, pati bunsong anak kong si Ysabelle ay sobrang paborito si Grae. Kaya kahit na noong umeere pa ang Bagito na pinagbidahan noon ni Nash Aguas, lagi itong pinapanood ng anak ko dahil bahagi si Grae at ng grupo ni-yang Gimme5 ng naturang TV series na ito.
Naaalala ko pa, na pati nga sa Twitter, may isang fan ni Grae ang nagdi-DM sa akin dahil kay Grae.
Well, hindi naman, hindi kataka-taka kung pagkaguluhan ng fans si Grae, dahil bukod sa guwaping ay natural umarte ang bagets.
Hopefully, very-very soon ay magkaroon sana ulit si Grae ng regular show o makasali sa isang pelikula, para naman ma-ging masaya ang sandamakmak na fans niya.
ni Nonie V.Nicasio