ni Alex Brosas
WALA raw offer na talk show kay Marian Something.
‘Yan ang say ng kampo ng aktres-aktresan.
Nakakaloka kasi matagal na naming alam na may naka-schedule na isang talk show na pagsasamahan nina Marian, Ai Ai delas Alas, at Regine Velasquez.
Parang ang dating ay ayaw ni Marian na makasama sina Ai Ai at Regine, parang ayaw pa niyang magtrabaho.
May magandang excuse nga naman si Marian, ‘no, buntis siya!
Pero hindi ba niya naisip na lugi ang GMA sa kanya dahil guaranteed contract ang pinirmahan niya kaya bayad siya mayroon man o walang project.