ni John Fontanilla
HINDI naging maganda ang pilot episode at kauna-unahang serye ni Ai Ai Delas Alas sa GMA 7, ang Let The Love Begin na katapat ang Forevermore ng ABS-CBN at pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Humamig lamang ng 15. 1 percent ang show ni AiAi samantalang ang Forevermore ay 33.2 percent na ang ibig sabihin, milya-milya ang lamang pagdating sa ratings ng ABS CBN teleserye.
Kaya naman marami ang nagmamasid kung sa mga susunod na episodes nito ay papantay man lang ba o makauungos pa sa Forevermore ang serye ni Ai Ai.