Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Ngalan ng Pag-ibig (Ika-10 Labas)

00 ngalan pag-ibigPag-ahon ni Jasmin sa batuhan, naroroon na ang tatlong bodyguard ni Jetro. Mabilis itong sinunggaban sa mga kamay, kinaladkad at dinala sa nakaabang na sasakyan.

“Saklolooo!” ang palahaw na sigaw ng dalaga.

Tiyempo iyon sa pagdating ni Karlo na susundo roon kay Jasmin. Isang putol ng sanga ng bakawan ang maagap niyang dinampot. Patakbo siyang sumugod sa pinagmulan ng tili ng nobya. At kidlat-sa-bilis ang kanyang naging mga pagkilos. Pinaghahataw niya ng bakawan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tatlong tauhan ni Jetro.

Walang malay na bumulagta sa lupa ang tatlong goons.

“Tena, Jas… Takbo!” kayag ni Karlo kay Jasmin na hinila niya sa braso.

“Napatay mo ‘ata sila…” sabi ng kanyang nobya, katal ang tinig.

“Ang mahalaga’y ligtas ka na…” ani-yang hawak-hawak pa rin ang kamay ng dalaga.

Ikinuwento ni Karlo kina Mang Kanor at Aling Azon ang mga pangyayari. Dahilan iyon nang pamumutla sa takot ng mga magulang ni Jasmin.

“Nakupu!” pag-aantanda ni Aling Azon. “Bata-bata ang mga ‘yun ng anak ni Gob…”

“Mas tarantado pa kay Gob ang Jetrong ‘yun… At tiyak na tiyak na babalikan nila kayo,” ani Mang Kanor sa pagkautal.

“Kung magsumbong po kaya ako sa pulis?” suhestiyon ni Jasmin.

“Maimpluwensiya ang pamilya ni Gob… Magreklamo ka man, e wala ring mangyayari,” ang maagap na pagsalungat ni Mang Kanor.

Ano po ang dapat naming gawin, ‘Nay, ‘Tay?” si Jasmin, natataranta.

“Dapat kayong magtago sa pangkat ni Jetro…” si Mang Kanor, tuliro ang isipan.

“Sa’n kami magtatago ni Karlo, ‘Tay?” naitanong ng dalaga.

Walang ano-ano’y bigla na lang may humaharurot na dalawang sasakyan na papa-lapit sa bahay nina Jasmin. Pawang mga kalalakihan na armado ng baril ang lulan niyon.

“Sasakyan ‘yan ng kapitolyo… Malamang, mga goons ‘yan ni Jetro,” sabi ni Aling Azon na nakatanaw sa labas ng bintana ng bahay.

“Patungo sila rito sa atin,” agap ni Mang Kanor. (Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …

SM Holiday Job Fair

SM Holiday Job Fair + Upskilling Draw Hundreds at SM MOA

The SM Holiday Job Fair + Skills e-Hub officially opens at the SM Mall of …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …