ni Alex Brosas
MARAMI na ang naghihintay sa pagbabalik ng StarStruck search. Pero mukhang malabo pang umere ang show dahil palpak yata ang mga audition nito. Walang masyadong nag-a-audition at desperado na raw ang mga mga executive ng GMA-7.
Ipinakilala sa execs ng Siete ang mga napili sa mga audition at ilan lang ang nakapasa sa kanilang panlasa.
Out of desperation perhaps, pati raw GMA Artist Center talents na wala pang names, mga da hu at never been ay pinag-audition na rin.
Iilan-ilan lang daw ang nakapasa, mas marami ang naligwak. Imagine, sariling artists na ng Siete ay hindi pa nakapasa sa kanilang pa-audition.
True ba ito, Angel Javier?
Aba, kung true, ay nakakalokang tunay naman. Bakit naman kailangan pang ipa-audition ang sariling talents ng GMA na mga mukhang walang K? Hindi ba’t lokohan na ito kung true nga ang chikang nakarating sa amin na pati GMA artists ay pinag-audition?
Anyway, mukhang matatagalan pa raw na masimulang ang StarStruck dahil bukod sa kaunti nga lang ang mga nag-audition, karamihan pa sa kanila ay mga walang K.