Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ruby, regular na nagdo-donate ng dugo

ni Alex Brosas

051215 puregold aling puring ruby joey jose

MATULUNGIN pala itong si Ruby Rodriguez.

This, we discovered when we learned na nagdo-donate pala siya ng kanyang dugo to those who are in need.

“Basta kailangan ay nagbibigay ako. Minsan tatawagan ka ng ospital kapag kailangan nila,”say ni Ruby sa presscon for Tindahan ni Aling Puring Sari-Sari Store Convention, May 20 to 24, World Trade Center, Pasay City.

“Noong si Pauleen (Luna) kailangang i-transfuse ay nag-donate ako ng dugo. Na-dengue siya noon, eh. Tapos mayroong tumawag minsan na sinabing ‘pumunta ka rito kailangan namin ng dugo’. Pumunta naman ako kasi doctor ang mga kapatid ko so, minsan kakila nila ang mga pasyente,” chika ni Ruby.

“Kasi ang maganda every three months daw para mapalitan ang dugo. Nakapag-donate na ako sa Red Cross. Hindi ako magwo-walk in kasi may tests iyan. At least may record na ako sa ospital so, alam na nila na regular donor ka,” dagdag pa niyang kuwento.

Sina Ruby, Joey de Leon, at Jose Manalo ang umapir sa presscon bilang mga endorser ng Puregold. Nasabi nila na mas mababa ang presyo ng mga bilihin sa Puregold kaya naman malaking tulong iyon sa mga mayroong sari-sari store.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …