sobrang pasasalamat na pinalitan ang aktres na sobra-sobra ang demands
ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng mga kinatan ng isang Pinoy channel abroad dahil isang sikat na komedyana ang pumalit sa isang aktres para sa nakatakda na nitong pagtatatanghal sa Amerika.
Mismo kasing ang mga staff ng overseas Pinoy channel ang nagrereklamo sa hirap kung paanong i-coordinate ang partisipasyon ng pinalitang aktres, na ewan kung ang mga kaartehang demands nito ay nagmumula sa kanyang management office.
But just the same, iisa ang sigaw ng staff na “Good riddance!” sa aktres na itago na lang natin sa alyas na Marlene Vera who was replaced by Aimee de las Vegas.