PASOK si Janno Gibbs sa bagong game show ng TV5na Happy Track ng Bayan na mapapanood tuwing tanghali ng Linggo kasama sina Jasmine Curtis Smith, Mariel Rodriguez, Ogie Alcasid, Kim Idol, Derek Ramsay at iba pa.
Nagkaroon ng workshop para sa staff at hosts ng Happy Track ng Bayan pero hindi nakasipot sina Mariel dahil nasa Hongkong para sa taping ng Happy Wife, Happy Life, si Jasmin ay maysakit daw, sina Janno at Derek ay hindi naman namin nakuha ang dahilan.
Naisip namin na baka hindi nagising ng maaga si Janno kaya hindi nakasipot?
Sa wakas, buo na ulit ang Small Brothers nina Ogie at Janno na nagsimula sa biruan sa GMA7 hanggang sa nag-click at sineryoso na ng dalawang celebrity na naging titulo pa ng kanilang concerts dito at sa labas ng bansa.
Nang lumipat si Ogie sa TV5 ay nalungkot si Janno pero aniya ay hindi niya iiwan ang Kapuso Network dahil maganda naman ang trato sa kanya.
Pero bakit biglang lumipat na si Janno sa Kapatid Network? Hindi na ba maganda ang trato sa kanya sa GMA?
Anyway, sana maging ‘happy’ si Janno sa paglipat niya sa TV5 para maging maganda ang track record niya sa bayan dahil lagi siyang nasasabihan ng late kasi hirap siyang gumising ng maaga.
ni Reggee Bonoan