NAKALULUNGKOT na hindi pa rin pala nagbago ang ugaling pasaway nitong magaling at kilalang aktres.
Dati nang isyu ang pagkakaroon ng masamang ugali ni aktres kaya naghiwalay sila ng landas ng dating manager. Napunta siya sa ibang manager na iginagalang at super bait din. Pero tila binalewala ito ni aktres dahil ang pagiging maldita ay likas na yata sa aktres.
Ayon sa tsika, nagrereklamo si aktres ‘pag walang project at kapag mayroon naman ay nagrereklamo rin. So, hindi malaman ni manager kung saan siya lulugar. Huh, kaloka talaga!
Kaya ang siste, binitiwan na siya ni manager dahil sa pagiging pasaway.
Sa totoo lang, hindi naman na yata kailangan pa ng manager ni aktres dahil kaya naman niyang gumawa ng kung ano-anong bagay para lagi siyang napag-uusapan. (HNT)