NAGULAT kami sa napaka-daring na kasuotan ni Julia Barretto noong presscon ng Hopeless Romantic na handog ng Star Cinema at Viva Films at pinagbibidahan din nina Nadine Lustre, James Reid, at Inigo Pascual.
Hindi tuloy naiwasan ng mga kapwa ko entertainment press na punahin ang kasuotan ng dalaga na tila hindi akma sa kanyang edad. Halos kasi luwa na ang dibdib ni Julia kaya kapansin-pansing kahit siya mismo’y hindi mapakali sa kasuotan niya na wala siyang ginawa kundi itaas ito.
Sana next time, maging simple lang ang damit niya dahil maganda na siya at hindi na kailangan ng dagdag kolorete.
Anyway, hindi naman big deal kay Julia kung supporting role lang ang ibinigay sa kanya sa Hopeless Romantic o suporta lamang siya kina James at Nadine.
Aniya, ”No problem at all. First of all, there is no small role. Second, what’s more important is how well you portray the role that was given to you and the impact on the audience. So it doesn’t matter at all,” paliwanag ni Julia.
First time makasama ni Julia sina James at Nadine pero pinuri niya ang dalawa.”Madaling makasama, magaan, walang problema.”
”The first time we have gotten to see them, nagsu-shooting doon sa standby area. I didn’t think we would actually talk a lot. And then, she was the one who came to me first and then started making kuwento. Tapos nagkuwentuhan na kami. Tapos. Tapos nakisali si Inigo, si James. Nakisali na lahat. Ang saya!” kuwento pa ni Julia.
ni Maricris Valdez Nicasio