ni Ambet Nabus
SPEAKING of Kris Aquino, hindi na pala niya gagawin ang ‘mistress’ movie na isa ngang kabit ang gagampanan niya, na balita pang makakasama niya si Claudine Barretto?
Endorsement ang rason dahil mayroon daw stipulations sa ilang malalaking kontrata ni Kris na hindi siya puwedeng lumabas sa anumang proyekto bilang isang other woman o mistress.
Hinayang na hinayang si Kris dahil ang natoka sanang role niya ay bonggang-bongga ang moral values dahil ito raw ‘yung mistress na kumawala sa bawal na relasyon. Sa latest news update na nakuha namin mare, matutuloy pa rin ang project at sinabi pa ni Kris to a very close friend na matutuloy nito.