SI Marq Dollentes ay isang singer, kompositor, at actor. Kamakailan ay nag-launch siya ng kantang isinulat at prinodus na pinamagatang Dear World para sa anibersaryo ng Bagyong Haiyan na ang layunin ay makalikom ng pondo para sa rehabilitasyon ng Tacloban.
Kasama ni Marq dito sina Pop Diva Kuh Ledesma, Jonalyn Viray,Timmy Pavino, Cristina Gonzalez, Isabella Guji Lorenzana, Jane Joseph, Al Gatmaitan, Jojee de Jesus, ang tenor na si Jonathan Badon among others. Ito ay na-feature sa MXY Music Channel at maaaring idownload sa i-tunes.
Bilang actor, si Marq ay nakagawa na ng tatlong pelikula kabilang ang Compound, Xenoa at Sa Pagdapo ng Mariposa.
Sa kasayukuyan, si Marq ay busy sa pagpo-promote ng bago niyang pelikula na may titulong Alimuom ng Kahapon. Ito’y mula sa direksyon ni Rosswill Hilario at nakatakdang mapanood sa May 6. Isang OFW na may karelasyong lalaki ang papel ni Marq dito. Kasama niya rito sina DM Sevilla, Angelo Ilagan, at ang Youtube sensation na si Sebastian Castro.
Abangan ang mga maiinit na tagpo at nakakakiliting halikan dito nina Marq at DM. Dalawa sa soundtrack ng Alimuom ng Kapon ay isinulat at inawit ni Marq. Kabilang dito ang Apoy ng Pag-ibig at Tatakas Tayo which he co-wrote with Malo Cruz.
Bilang stage actor naman, nakapareha na niya ang premyadong mananayaw na si Christine Crame sa isang musical concert na pinamagatang Presence. Isa ito sa shows na itinampok sa Fringe Manila Arts Festival 2015.
ni Nonie V. Nicasio