ni Ed de Leon
“NABAWASAN na po ng isa,” ang sagot ni Ryzza Mae Dizon sa tanong ni ma kung ano ang masasabi niya sa mga mahihirap ngayon sa Pilipinas.
Inamin ni Ryzza na bago siya naging artista, sila ay “gipit na gipit”. Pero ngayon, salamat sa naging magandang pagkakataon niya sa showbusiness, ”nakaluluwag na po.” Makikita mo sa mga sagot ng inosenteng bata na hindi dapat mawalan ng pag-asa kahit na ano mang hirap ang dinaranas ng isang tao. Dumaan sila sa hirap, at siguro kahit na sa pangarap ay hindi niya akalaing darating din sa kanya ang ganyang kagandang kapalaran. Pero ganoon lang ang buhay. Hindi mo alam kung kailan ka nasa ilalim, at lalong hindi mo alam kung kailan ka iibabaw.