HINDI maikaila ni JM De Guzman ang excitement nang malamang gagawa sila ng pelikula ng girlfriend na si Jessy Mendiola.
Ani JM nang makausap siya sa muling pagpirma ng kontrata sa Star Cinema, masaya siya at noon lang din niya nalamang may gagawin silang movie ni Jessy.
“Never pa kaming nakapagtrabaho o magkasama. First time ko na ma-experience ‘yon, na-excite ako. Hindi ko alam, ang sarap i-imagine. Nakaka-excite,”nakangiting sabi ni JM at ibinalitang gagawa sila ng teleserye ni Albert Martinez.
ni Maricris Valdez Nicasio