Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ara, totoong hiwalay na kay Mayor Patrick; mga alegasyon noon ni Cristine, totoo

ni Pilar Mateo

091114 Ara Mina cristine reyes

SO it’s true! Yes! Boss Jerry (Yap)! Salamat sa pagmamalasakit ng mga tunay na kaibigan at lumabas na rin ang totoo!

Sa araw-araw na lang yatang pagtatanggol sa alaga kong si Ara Mina sa mga bagay na pinapakawalan nito tungkol sa sarili niya—lalo na sa mga relasyon niya sa kadulu-duluhan lagi pa ring kami ang huli sa balita sa kanya at nagmumukhang-tanga.

So it’s true pala na may hiwalayan na.

So it’s true pala na marami sa mga pinag-awayan nila noon sa mga sinabi niCristine Reyes na naging dahilan pa ng mga demandahan ay totoo!

So it’s true na kaya niyang baligtarin ang mga istorya at magpanggap na hindi nangyayari ang mga ito.

So it’s true na sa takdang panahon lalabas at lalabas the secrets that she keeps.

May nagtanong tuloy sa akin, ngayon daw kayang nanalo siya ng P1-M sa Deal or No Deal mabayaran na nito ang mga utang niya?

Ako hindi na aasa. At nasanay na akong taong ‘di na binayaran sa dapat eh nasuweldo ko na sa naging trabaho ko as publicist. Kaya hindi niya pwedeng sabihin ngayon na dahil ‘di niya nagugustuhan ang mga isinusulat namin kaya hindi niya kami pasusuwelduhin. Hanggang dyan pagpapapanggap at pambabaligtad pa rin?

May nagtanong nga sa akin may away daw ba kami? Wala!

Galit daw ba ako kay Ara? Hindi!

Nagpapasalamat lang ako na may naglalabas ng katotohanan para hindi kami laging mukhang tanga at nagagamit din!

Sabi nga lahat naman may hangganan.

Sumabay na ang katotohanan sa isa pang nagsabi ng panig niya sa nasabing relasyon—ang Mayor ng Bulacan Bulacan.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …