ni Roldan Castro
BUONG ningning na sinabi ni Vice Ganda na mas mayaman si Coco Martin kaysa kanya. Mas marami raw endorsements ang Kapamilya Primetime King kaysa kanya.
“Siya para siya ang habulin ng BIR,” sambit niya na tumatawa at nagbibiro.
Nakaplano na ang pagsasama nila sa pelikula ni Coco. Mas uunahin na niya ito kaysa Teen King na si Daniel Padilla.
Bumakas daw siya sa pagpo-produce sa movie nila ni Coco pero maliit lang. Excited na siya dahil hindi pa sila nagkakasama sa pelikula.
Hindi naman daw tungkol sa bromance ang tema ng movie pero sey ni Vice, ”handa na raw siyang magpababoy sa akin.”
Babasahin pa raw niya ang script kaya hindi pa niya alam kung paano niya bababuyin si Coco.
Talbog!