ISANG singer, kompositor, at actor si Marq Dollentes na tubong Victorias City, Negros Occidental. Kamakailan ay inilunsad ang awiting isinulat at ipinrodyus niya, ang Dear World para sa anibersaryo ng Bagyong Haiyan na ang layunin ay makalikom ng pondo para sa rehabilitasyon ng Tacloban.
Nakasama ni Marq sa paglulunsad sina Pop Diva Kuh Ledesma, Jonalyn Viray, Timmy Pavino, Cristina Gonzalez, Isabella, Guji Lorenzana, Jane Joseph, Al Gatmaitan, Jojee de Jesus, ang tenor na si Jonathan Badon at iba pa na itinampok sa MXY Music Channel at ito ay maaaring i-download sa Itunes.
Bilang actor, si Marq ay nakagawa na ng tatlong pelikula at markadong roles saCompound noong 2006 na idinirehe ni Will Fredo; Xenoa noong 2007, at Sa Pagdapo ng Mariposa noong 2008.
Bilang stage actor, nakapareha na n’ya ang premyadong mananayaw na si Christine Crame sa isang musical concert, ang Presence na isa sa mga show na itinampok sa katatapos na Fringe Manila Arts Festival 2015, ang pinakamalaking art festival.
Sa kasalukuyan, si Marq ay busy sa pagpo-promote ng pelikulang Alimuom ng Kahapon na idinirehe ni Rosswill Hilario na mapapanood na sa Mayo 6. Isang OFW na may karelasyong lalaki ang papel ni Marq sa na pinagbibidahan din nina DM Sevilla,Angelo Ilagan, at ang Youtube sensation na si Sebastian Castro.
Abangan ang maiinit na tagpo at nakakikiliting halikang nina Marq at DM na tiyak makadaragdag ng init ngayong summer. Dalawa sa soundtrack ng Alimuom ng Kapon ay isinulat at inawit ni Marq na may titulong Apoy ng Pag-ibig at Tatakas Tayo na isinulat nila ni Malo Cruz. Ang ballad version ng Apoy ng Pag-ibig ay music video na puwedeng mapanood at i-download sa Youtube.