BUNTIS nga ba ang TV host athlete na si Gretchen Ho sa boyfriend niyang si Robi Domingo?
Ito raw ang tsikang kumakalat ngayon sa La Salle at ng ilang non-showbiz personalities na kakilala si Gretchen.
Tinext namin ang Cornerstone Talent Management staff na si Caress Caballero tungkol dito, ”alam mo birthmate, natanong na rin kami before, three weeks ago bago pa mawala sa ere ang ‘The Buzz’, hindi totoo.
“Tumatawa nga si Gretchen kasi sabi niya, ‘ate Caress, sobrang taba ko na ba para mapagkamalan akong buntis?’
“Kaya hindi totoo birthmate kasi kung totoo ‘yun, wala namang dahilan para i-deny, ‘di ba? Pareho naman silang single ni Robi, hindi ‘yan.
“At saka sobrang busy ngayon ni Gretchen may dalawang shows siya sa sports TV tapos ang dami niyang endorsements kaya malabo.”
Hayan, hindi naman pala trulili at hindi porket tumaba ay nasa interesting stage na, malay naman nila masarap talaga mag-alaga si Robi at parating pinakakain si Gretchen ng masasarap.
At saka lalabas din naman ang totoo if ever, sa showbiz pa may maitatago ka, ‘di baAteng Maricris?
ni Reggee Bonoan