Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Georgina, ‘di na bago ang pagbalewala sa manager

 

ni Pilar Mateo

042215 georgina wilson

ALL in the name of what?

Talagang ang talent-manager na si Shirley Kuan na ang nagpakalat ng balitang binitiwan na niya ang alagang si Georgina Wilson. Na may pagbabanta pa nga ng demanda dahil sa hindi nito pagsunod sa kontrata sa kanila ng manager.

Nang dumiretso umano kay Georgina ang kumukuha sa kanya para mag-host sa launch ng Samsung phones with Solenn Heussaff, maliwanag na pambabastos na ito sa manager niya na unang tinanungan ng rates ng kanyang talent.

Dahil umano sa bad conduct ni Georgina at ng Samsung, idudulog din ni Ms. Kuan sa samahang kinabibilangan niya sa PAMI ang nasabing isyu para mapatawan din ng kaukulang parusa sa industriya si Georgina.

Kaya ang tanong ng mga miron eh, kung sino naman daw kaya ang nag-sulsol dito para balewalain ang kanyang manager? Actually, hindi naman daw pala ito ang unang pagkakataon na gumawa ng hakbang si Georgina na hindi ipinaaalam sa kanyang manager.

Eh, bakit pa ba kayo nagsisikuha ng mga manager samantalang mga sarili niyo rin pala ang gusto niyong masunod. Kung wala naman pala kayong planong bigyan ng komisyon ang mga ito eh, bakit pa kayo nagpapatulong kung kaya niyo rin pala?

Ano kaya ang advice ni Borgy (Manotoc) sa kanyang lady love?

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …