Sa April 25 na gaganapin ang first major solo concert ni Alex Gonzaga na “The Unexpected” sa Smart-Araneta Coliseum na ayon pa sa produ na si Joed Serrano ay 85% nang sold ang tickets.
Kaya’t sigurado pagdating ng Sabado ay puwedeng mapuno ng Kapamilya star ang big dome dahil maraming fans na last minute raw kung bumili ng kanilang ticket. Siyempre sa concert ni-yang ito ay all-out din ang support kay Alex ng kanyang Ate Toni Gonzaga na bukod sa guest niya, ang sipag rin kung mag-promote sa social media at show na guest siya.
Nakabibilib talaga ang dalawa dahil kahit ka-ilan ay hindi sila nagkaroon ng rivalry sa isa’t isa.
And speaking of Toni ay ibinalita pala last night sa “Bandila” na hindi tuloy ang kasal nila ni Direk Paul Soriano sa June 12 sa isang kilalang simbahan sa Antipolo. Ang rason ay parehong busy ang dalawa.
Si direk Paul ay abala sa mga special screening sa abroad ng idinirek na pelikula na Kid Kulafu at nakatakda pang manood ng laban ni Manny “Pacman” Paquiao kay Floyd Mayweather, Jr. Samantala, si Toni naman ay may ilang prior commitments rin daw na dapat tapusin. Pero huwag raw mag-alala ang fans ng dalawa dahil tuloy this year ang kanilang wedding.
So huwag kayong mainip gyud!
ni Peter Ledesma