ni Vir Gonzales
MULING magsasama ang superstar Nora Aunor at batikang Indie movie director Dante Brilliantes sa pelikulang Tacloban. Bubulaga sa paningin ng mga makakapanood ang tunay na pangyayari sa kapahamakang inabot sa delubyong Yolanda.
Isang makabuluhang pelikula ito, na sana’y maipalabas. Makakasama ni Guy si Rosanna Roces, na binigyang pagkakataon muli ni Direk Dante. Isang magaling na artista si Osang, napabayaan lang ang kanyang suwerteng hinawakan noon. Sana tangkilikin din sa takilya ang movie ni Guy.