ni Alex Brosas
“HINDI na nakatutuwa ‘yon, below the belt na iyon pero hindi na namin masyado iniisip ni DJ. Huwag na lang siguro pansinin kasi feeling namin ay mga bata ang gumawa niyon. Kung sino man ang gumawa niyon alam niya siguro na mali iyon at sana iyon na ang huli na mangyari iyon.”
That was Kathryn Bernardo’s reaction sa isyung mayroong isang basher ang nag-post ng photo ni Daniel Padilla habang nasa loob ng kabaong.
Foul nga naman ang ginawa ng basher. Kahit na sino ay magngingitngit sa senaryo na ‘yon. Unang-una, kung sa kanya gagawin iyon ay matutuwa ba siya?
Buti na lang at very cool lang itong si Daniel at hindi na pinatulan ang issue. Alam naman kasi niyang wala siyang mapapala roon.