ni Roland Lerum
PAGKATAPOS matalo ni Winwyn Marquez sa Binibining Pilipinas, marami naman ngayon ang humihimok sa anak nina Alma Moreno at Joey Marquez na i-try ang Miss World Philippines.
Pati ang sarili nating Miss Philippines na naging Ms. World na si Megan Young ay nahingan ng komento rito. Sabi ni Megan, ”Winwyn is a very determined young lady and if she wants to, why nor? For all we know, she might make it, ‘di ba?”
Basta ang mahalaga raw ay ‘yung interest at dedikasyon kung sakaling nasa hilera na ng beauty hopefuls. ‘Yan daw ang naging dahilan kung bakit kumapit mabuti si Megan sa beauty contest na ito hanggang ideklarang winner na ikinatuwa ng bansa dahil ilang dekada na ang Miss World pero hindi man lang mapili ang Miss Philippines.
Sino ang makakaisip na si Megan lang pala ang makasusungkit ng titulong ito? Malay natin baka ma-win din ito ni Winwyn.