Tuesday , December 24 2024

Mrs. Sebastian, isiniwalat ang mga panlolokong ginawa ni Mich kay Jam (Part I)

ni Ronnie Carrasco III

042015 jamich

KUNG noo’y pinipigilan pa ni Mrs. Maricar Sebastian, ina ng yumaong si Jam, ang kanyang sarili from lashing at her son’s former girlfriend Mich Liggayu, nitong 40th day buhat ng mamatayan, the still grieving mom has this to say (bahagi ito ng walong pahinang panayam sa kanya ng Startalk at the Loyola Memorial Park nitong April 12):

“ETO NA YUNG KATAHIMIKANG INAABANGAN NYO SA AKIN…TAMA NA PANLOLOKO N’YO LALO NA KAYO ALAM N’YO KUNG SINO’NG TINUTUKOY KO ALAM N’YO YAN SA PUSO N’YO… SOBRANG DEPRESSED ANG ANAK KO BAGO SIYA NAMATAY.”

Dito na sa puntong ito isiniwalat ni Gng. Sebastian ang kanyang mga hinaing kay Mich.”BAGO SIYA NAMATAY INAWAY MO SIYA NAKA-LIFE SUPPORT SYA… PINAGMUMURA MO… HUMINGI KA NG TAWAD SA AKIN THAT NIGHT AYOKO NA KITANG PAPASUKIN SA OSPITAL PERO HUMINGGI KA NG TAWAD NASA AKIN ANG TEXT MO PINAGBIGYAN KITA DAHIL SABI MO HIHINGI KA NG TAWAD KAY JAM DAHIL SA GINAWA MO SA KANYA. NUNG NAMATAY ANG ANAK KO, ANG CELL PHONE NG ANAK KO NASA AMIN.HINIRAM MO KAY YEXEL ANO ANG GINAWA MO NI-LOG OUT MO FACEBOOK, N- LOG OUT MO ANG EMAIL, N- LOG OUT MO ANG JAMICH PAG…A KALA KO BA NAGLULUKSA KA? BAKIT GANU’N ANG GINAWA MO… PARA MAWALAN KAMI NG ACCESS. SA JAMICH PAGE, PINAGKAKAKITAAN N’YO YAN… UNTIL NOW PINAKIKINABANGAN N’YO, KASI DOON PUMAPASOK ANG SINU SUWELDO NYO FOR YOU TUBE… HINDI KA ASAWA. AKO ANG NANAY. AKO LAHAT ANG MAY KARAPATAN.”

Ang sama ng loob ni Mrs. Sebastian ay umabot na sa paghahanap niya ng mga gamit ni Jam.

“LAHAT KINUHA NYO SA AMIN. ANG GAMIT NG ANAK KO, ANG MGA DAMIT ANG ITINIRA N’YO SA AMIN MGA LUMANG DAMIT. TAPOS ANG PC NG ANAK KO. KINUHA MO ANG HARD DRIVE NA’ YUN NA LANG ANG TANGING MEMORY NG ANAK KO. ANONG SABI MO? PAG-IISIPAN MO PA… PWES HINDI NA AKO MAGHIHINTAY NG PAG-IISIP MO DAHIL ETO NA ANG TOTOO… LAHAT NG GAMIT NG ANAK KO PATI KOTSE, SHARE KAYO LAHAT SA PAGBABAYAD. PATAY NA ANAK KO, PINAGBABAYAD MO PA SIYA SA KATULONG SA BAHAY. TAPOS SASABIHIN N’YO, AKO MUKHANG PERA?”

Nagsalita rin si Mommy Maricar tungkol sa lalaking nauugnay kay Mich, si Neo Domingo.

“ETONG MASASABI KO, TUWING MADALING ARAW SAAN KA NAGPUPUNTA? HINDI KA NATUTULOG SA BAHAY. KUNG SASABIHIN MONG MAGKAIBIGAN NGA KAYO, BAKIT MAS MARAMI KA PANG TIME SA KANYA? ALAM MONG KAILANGANG-KAILANGAN KA NI JAM. ‘YUNG ANAK KO, HINDI NA LANG KUMIKIBO PERO ALAM NYA LAHAT NG GINAGAWA MO. KITANG- KITA KO SA ANAK KO KUNG PAAANO SYA NAMATAY DAHIL SA DEPRESSION.”

Sinuportahan ‘yon ni Mrs. Sebastian ng mga kuwento confirming that Mich and Neo are more than friends.

“ULTIMO KAMAG-ANAK MO, NAGSASABI NA MAGKASAMA KAYONG NAG-IINUMAN NG LALAKI MO.‘YUNG MGA GABING WALA KA, NASAAN KA? MADALING ARAW UMAALIS KA NG BALETE. NANDITO AKO NGAYON SA PUNTOD NG ANAK KO PARA MAGSINUNGALING HINDI KO GAGAWIN YAN DAHIL SA ARAW-ARAW NA GINAWA NG DIYOS, KINAKAUSAP KO ANG ANAK KO. SABI KO, ‘ANAK, HINDI AKO TITIGIL HANGGA’T HINDI KO BINIBIGYAN NG KATARUNGAN KUNG ANO MAN ‘YUNG DAPAT PARA SA IYO.’

PANININDIGAN KO ANG LAHAT NG SINABI KO KAHIT SAAN TAYO MAPUNTA.”

Abangan ang karugtong.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *