Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jolo, magpapa-check-up pa sa US, ‘di pa raw kasi fully recovered

ni Roland Lerum

030715 jolo bong revilla

APRIL 13 ang birthday ni Congreeswoman Lani Mercado pero nag-celebrate siya ng kaarawan noong April 12 na ipinagdiwang sa kulungan ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. Dumating halos lahat ang mga anak ng dalawa pati si Vice Governor Jolo Revillakasama ang anak na si Gab.

“Hindi pa fully recovered si Jolo,” info ni Lani. ”Magpapa-check-up siya sa Los Angeles, California USA sasamahan ko siya. Pati ‘yung isa kong daughter, si Laudette, kasama. Kaga-graduate lang kasi niya ng high school at maraming awards and medals kaya itong trip na ito para sa kanya.”

Inamin ni Lani na 47 years old na siya. Isang taon lang ang tanda ni Sen. Bong sa kanya. Noong una, sabi ni Bong, ”Si Lani, 25 years old lang siya.”

Ano ang birthday wish ni Lani? ”Yung sa loob ko talaga, sana makalabas na si Bong dito sa kulungan.”

Mahigit sa anim na beses kinantahan ng crowd sa Crame si Lani ng Happy Birthday. Pero humiling ang mga bisita’t kaibigan na kumanta ang mag-asawa kaya muling humirit si Sen. Bong ng ”She” at pinatabi niya si Lani sa kanya. Nag-duet sila sa You Are The Sunshine of My Life at pinakahuli ang The Prayer na kinaya nilang dalawa kahit napakataas na ng tono. Sa huli, sabi ni Lani, dahil hindi niya makaya ang taas ng tono kung minsan, ”Pasensya na kayo, birthday ko naman, eh!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …