MATAPOS ang matagumpay niyang birthday concert sa Teatrino last April 10, ang tututukan naman ngayon ni Marion Aunor ay ang kanyang second album.
Nang nakahuntahan namin siya kinabuksan, nasabi ng magaling na singer/songwriter na ang nangyari sa kanyang concert ang birthday wish niya bale.”Natupad naman na po, yung success ng birthday concert and a fun after party para makapag-bond sa mga friends and family na nanood.
“Super grateful po ako dahil talagang full-support sila sa akin for the concert, sa harap na harap pa po si grandma nakaupo. And yung mom and sister ko talagang tinulungan ako in any way that they can para maging success yung concert,” saad pa niya patungkol sa lola niyang si Mamay Belen, sa kanyang inang si Ms. Lala Aunor at sa kapatid niyang si Ashley Aunor na lahat ay may kakaibang talento pagdating sa musika.
Aside sa bagong album, ano pa ang plano sa career mo after ng Teatrino?
“Well, I’m just taking it one step at a time. Etong second album po, then i-tour yung album, hopefully around the Philippines and out of the country kasama ng band ko kung puwede,” nakatawang wika ni Marion.
Paano mo ide-describe itong next album mo? “Mas mailalabas ko po yung edge ng singing and songwriting ko compared sa first album ko na medyo mas tame pa.
“May mga Tagalog songs, may ballads, may big jazz songs like yung I Wanna Be Bad and mga cutesy songs, sexy songs… Mas lalo pong lalabas yung personality ko sa album na ito.
“Masaya ako habang ginagawa ang album, masaya kasing katrabaho sina sir Jonathan Manalo and Kidwolf as producers.”
ni Nonie V. Nicasio