Thursday , January 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bossing Vic Sotto, masaya sa piling ng girlfriend si Pauleen Luna

083014 Vic sotto Pauleen luna

00 vongga chika peterPAGDATING sa pagiging ama sa kanyang mga anak ay sasaluduhan mo talaga si Bossing Vic Sotto.

‘Yung anak nga niya sa dating nakarelasyon na si Angela Luz na si Paulina ay niregalohan niya ng mamahaling kotse dahil nag-graduate na Summa Cum Laude sa University kanyang pinagtapusan. Lalo naman siyempre kina Oyo at Danica Sotto na kahit mga pamilyado na ay nariyan pa rin si Bossing to support them.

Pagdating naman sa kanyang karelasyon nang ilang taon na si Pauleen Luna na kasamahan rin niya araw-araw sa Eat Bulaga ay makikita sa mukha ng sikat na TV host comedian-producer na maligayang-maligaya sa piling ni Pauleen. ‘Di ba?

Ang bata ng itsura niya. At ang maganda sa relasyon ng dalawa ay para lang silang magkabarbarkda kaya mas marami ‘yung enjoy na magkasama sila kaysa nagkakatampohan.

Well sana nga roon na sa simbahan ang tuloy ng relasyon ng dalawa kasi hindi lang sila bagay kundi pareho silang enjoy sa kanilang companionship.

Ideal showbiz couple gyud!

031215 julia coco

COCO AT JULIA HINDI NA MAITAGO ANG FEELINGS PARA SA ISA’T ISA SA “WANSAPANATAYM”

Wala nang makapipigil pa sa nararamdaman ng mga karakter nina Coco Martin at Julia Montes para sa isa’t isa sa pagpapatuloy ng kanilang “Wansapantaym” special na “Yamishita’s Treasures” ngayong Linggo (Abril 19).

Sa gitna ng kanilang paghahanap kay Newton (Alonzo Muhlach) sa mundo ng mga engkanto, mas lalalim na ang relasyon nina Yami (Coco) at Tanya (Julia) sa kabila ng hindi magandang nakaraan ng kanilang mga magulang.

Magtatagumpay ba sina Yami at Tanya na maitakas si Newton mula sa pagkakadakip ng masasamang diwata? Kaya bang aminin ni Tanya na nahuhulog na ang kanyang damdamin para kay Yami kahit na pinagbabawalan siya ng kanyang ina na umibig sa isang tao?

Kasama rin nina Coco at Julia sa “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” ang mga premyadong aktor kabilang sina Eddie Garcia, Bing Loyzaga, Angel Aquino, Noni Buencamino, Ryan Bang, at Marlan Flores.

Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at Joel Mercado, at direksyon ni Avel Sunpongco. Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng adventure nina Coco at Julia sa “Wansapanataym pPesents Yamishita’s Treasures” ngayong Linggo, sa ganap na 6:45 p.m. pagkatapos ng “Goin’ Bulilit” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Wansapanataym” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …