ni Alex Brosas
NAPAKA-INSENSITIVE naman nitong si Kris Aquino.
That is, kung true ang nabasa namin sa isang Twitter account na sinabi niya sa kanyang talk show na sa mga food trip nila sa kanilang programa ay may patakaran silang sinusunod—na si Darla Sauler, assistant niya, ang unang titikim sa pagkain para matiyak na hindi malalason ang Queen of Talk.
“@darLasauLer sis, hindi ka ba na-offend sabi ni Kris ang patakaran sa lahat ng food trips nyo ikaw muna titikim dahil sa milk tea scare?” tweet ng isang guy.
“So Darla is just disposable for Kris Aquino? How mean and insensitive. #RespectDARLA =ØÞ @darLasauLer,” saad naman ng isa pa.
Agad-agad na nag-defend ang isang Kris cheerleader and said, “It was obviously a joke haha don’t make a big deal out of it.”
“joke ain’t funny if someone actually died from it,” sagot naman kaagad ng isang guy.
Oo nga naman. In bad taste nga naman iyon kahit na joke pa. Isa pa, very discriminatory ang ganoong joke, ‘no!!!