KAKUWENTUHAN namin ang isang kaibigan naming nasa isang ad agency. Ang tanong nga namin, bakit ba kumuha sila ng isang male endorser na kung ipakita nila sa mga poster ay nakahubad naman ganoong ang main product ng kanilang kliyenteng kompanya ay T-shirts.
“Eh mapapansin lang naman iyan kung nakahubad eh, at saka reverse endorsement nga iyon. Masama ang image niya eh, kaya ipinakikita naming hindi niya isinusuot ang produkto ng aming kliyente,” sabi niya sa amin. Mukhang may katuwiran naman.