LAST Sunday ay naging SRO ang celebrity screening ng “Nathaniel” na ginawa sa Trinoma Mall Cinema 7. Lahat ng mga nakapanood ng mga unang episode ng nasabing inspirational drama teleserye kabilang na ang inyong kolumnista, mga Kapamilya stars etc., ay humanga sa lahat ng mga artistang parte ng serye na pinangungunahan ng bagong tuklas na child actor ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN na si Marco Masa bilang si Nathaniel na ang husay gumanap na batang anghel. Majority ng mga nanood nito ay hindi mapigilang hindi maluha sa mga eksena ni Marco lalo na noong bumababa na siya sa lupa upang tuparin ang kanyang misyon na maibalik ang tiwala at paniniwala ng mga tao sa “Diyos.”
Sa sobrang amo ng mukha ng bata ay anghel na anghel talaga ang dating niya sa Nathaniel. Feeling mo habang pinanonood mo ang ilang episodes ng serye ay nakarating ka na rin sa langit. Ganyan katindi at kahusay gumawa ng teleserye ang Dreamscape never silang nagtipid kailanman sa budget at mahalaga sa kanila ang production value para lumabas na makatotohanan ang kanilang handog na palabas sa lahat ng TV viewers na dekada ng tumatangkilik sa kanila. Parehong mahusay rin dito sina Gerald Anderson at Shaina Magdayao na gumaganap na parents ni Nathaniel. Grabe ‘yung breakdown scene ni Shaina sa ospital lalo na noong malaman na patay na ang baby nilang si Nathaniel.
Namatay si Nathaniel sa car accident dahil sa isang tao, na hindi sila tinantanan ng kanyang mga magulang. Habang paakyat sa langit, feeling mo ay totoo talagang umaakyat sa langit si Nathaniel na sinalubong ni Maestro (Freddie Webb). At si Shaina kahit na hindi talaga siya nanay sa totoong buhay buong husay niyang na-portray ang kanyang role as young Mom sa serye. Pareho silang may lalim umarte ni Gerald at bagay sila maging mag-partner.
Agaw-eksena naman ang papel na ginagampanan ni Coney Reyes-Mumar na salungat in real life. Kasi kung kilalang very relegious ang aktres dito sa Nathaniel malayo ang loob niya sa Itaas, na sinisisi niya sa lahat ng mga kamalasan na nangyari sa kanya lalo na noong namatayan siya ng anak na kapatid ni Gerald. Mula nang bumagsak hanggang makabangon at magkaroon ng matagumpay na negosyo ang AVL Group of Companies ay Diyos na ang tingin niya sa pera at pinalaganap niya ito sa iba’t ibang lugar na bidang-bida siya sa campaign niyang “Yayaman Tayo.” At isa sa masugid niyang tagahanga rito ay si Jayson Gainza. Bagay na bagay naman sina Pokwang at Benjie Paras sa character nila bilang mag-asawa na magiging surrogate parents ni Nathaniel. Pulis dito si Benjie at may munting negosyo naman si Pokwang na JeepSilog na ikinabubuhay ng buong pamilya. Mahalaga rin ang role na gagampanan ni Isabelle Daza bilang abogadong si Martha Amante at girlfriend ng character ni Gerald.
Si Isabelle ang mag-a-annul ng kasal ni Gerald kay Shaina. Yes handang-handa na rin ang bagong Kapamilya aktres na makipagsabayan ng aktingan sa mga co-star sa Nathaniel. Bahagi rin ng powerhouse cast sina Ogie Diaz, Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, Yesha Camile, Fourth at Fifth Solomon at ito ay mula sa ilalim ng direksyon nina Darnel Joy Villaflor at Francis Pasion. Kung inyong niyakap at minahal noon ang character ni Zaijan Jaranilla sa “May Bukas Pa,” Xyriel Manabat sa “100 Days to Heaven” at Raikko Mateo bilang “Honesto.” Tiyak na patutuluyin n’yo rin gabi-gabi sa inyong mga tahanan at mamahalin ang bagong guardian angel ng lahat na si Nathaniel.
I’m very sure with that gyud!
ni Peter Ledesma