MABUTI naman at napapakinggan na ulit si German Moreno na mas kilala bilang Kuya Germs sa radio program niyang Walang Siyesta sa dzBB 594 tapos niyang ma-stroke.
Saad ng Master Showman ay na-miss niya raw ang pagpo-programa sa radyo. Although bago pa man siya bumalik sa studio ay madalas mag-phone patch si Kuya Germs kaya napapakinggan pa rin siya ng kanyang suking listeners. Ayon pa kay Kuya Germs ay patuloy pa rin ang medication at therapy niya para mas maging mabilis ang kanyang paggaling.
Sinabi naman ni katotong John Fontanilla na kahit bumalik na sa radyo si Kuya Germs ay hindi pa raw ito puwedeng bumalik bilang host ng kanyang weekly TV show sa GMA Network, ang Walang Tulugan With The Master Showman.
Bawal raw kasing mapuyat si Kuya Germs. Pero promised niya na malapit na siyang bumalik sa TV.
“Abangan na lang nila yung pagbabalik ko, bigla na lang nila akong mapapanood ulit sa Walang Tulugan.
“Pero tuloy-tuloy pa rin naman ang Walang Tulugan kahit wala ako.”
ni Nonie V. Nicasio