ni Roldan Castro
INABUSO si Angeline Quinto bilang isang battered OFW na tumakas sa bahay ng kanyang employer sa upcoming episode ng Home Sweetie Home SA Sabado (Abril 18).
Si Jona (Angeline) ay isang domestic helper sa Hong Kong na pupunta sa Soo Man Power Agency para i-report ang ginawang pananakit sa kanya ng kanyang amo. Matapos marinig ni Sir Paeng (Ogie Diaz) ang kUwento ni Jona, in-assign nito si Romeo (John Lloyd Cruz) para asikasuhin ang kaso.
Alamin ngayong Sabado (Abril 18) sa Home Sweetie Home, 6:00 p.m.!