ni Roldan Castro
INAABANGAN ang pagbabalik sa telebisyon ng sikat na TV host na si Willie Revillame. Excited din sila sa pagsisimula nito sa May 10 sa GMA 7.
Maraming pangalan ang lumulutang na magiging co-host niya. Pero may naririnig din kami na solo muna ni Kuya Wil at magco-concentrate sa games na malalaki ang premyo.
Hinuhulaan din na magiging ma-traffic ang Kalayaan ’pag nagsimula na ang Wowowinngaya ng mga nasaksihan namin noon sa Quirino Highway sa Novaliches TV5 station.Dumating noon sa point na maraming natutulog sa labas ng TV5 para lang makapila agad sa kanyang programa.
Pero ang tiyaj ay safe ang audience sa studio na ipinagawa niya. Posible ring humingi siya ng tulong sa alkaldr ng Quezon City na si Herbert Bautista para mapanatili ang kaayusan at daloy ng trapiko.