ni Ronnie Carrasco III
SI Benjie ay floor manager ng tinatambayan kong beerhouse sa Pasay City, and what do you know? He hails from Pagadian City, na lugar na pinagmulan din ni Mr. Rey Pamaran na nakaengkuwentro ni Melissa Mendez.
Benjie, a friendly staff whom I’ve known from way back, does not come from Pagadian City’s who’s who. Isang simpleng residente lang siya roon who knows the Pamarans too well.
Mula pala sa angkan ng mga bigating politiko si Rey, but so much unlike most politicians here and elsewhere, the Pamarans are a low-profile lot. Ina-assert lang daw nila ang kanilang kapangyarihan when provoked.
And in the case involving Melissa—where in Rey was pushed and shoved—normal at natural lang daw na almahan ng isang miyembro ng angkang Pamaran ang bastos na inasal ng isang tao.
Hirit ni Benjie, ”Hindi kami mayaman sa Pagadian. Minsan nga lang ako mag-eroplano, barko lagi ang sinasakyan ko. Pero kung nagkataong ako ang nakaengkuwentro ni Melissa, may kalalagyan siya sa laot!”