Tuesday , November 19 2024

PH Dota representatives na-offload

team rave dotaPANIBAGONG sigalot na naman ang haharapin nitong si Commissioner Fred ‘sweet lover’ Mison matapos kuwestiyonin ni Senador Bam Aquino ang mga dahilan kung bakit kinakailangang i-offload noong nakaraang Biyernes, Abril 3, ng mga Immigration Officers sa NAIA ang Philippine representatives ng DOTA  para sa kanilang training sa bansang Korea.

Matatandaang ang “Team Rave” na kamakailan ay nagwagi sa DOTA 2 Asian Championships, ay patungo sanang Korea para sa preparasyon nila sa isang panibagong DOTA competition sa US.

Pero masaklap ang nangyari, hindi lang basta hinanapan ng katakot-takot na dokumento ang team members, kundi sila mismo ay nakaupo na sa loob ng eroplano nang sila ay lapitan at sapilitang pinababa!

Grabe! Kabastos naman!

Kinuhaan din ng pahayag ang POEA tungkol sa nangyaring ito at tinanong kung sila ay kinakailangan kumuha ng katakot-takot na dokumento para sa working permit.

Pero nagpahayag ang POEA na since sila naman ay mga kinatawan ng bansa, kaya hindi na sila inire-require ng voluminous documents.

Patay kang bata ka!

Sa insidenteng ito ay nagpahayag si Senador Bam Aquino na kinakailangan ang masusing imbestigasyon at managot ang mga pumalpak na Immigration Officers sa BI-NAIA T2 kung mapatunayan na sila ay pumalpak-to-the max na naman!

E sino pa ba ang dapat humarap diyan, natural ang pinakapinuno ng ahensiya. Command responsibility dapat ‘di ho ba!?

 ‘Yan na nga ba sinasabi natin! Palibhasa laging busy sa lovelife niya si Comm. Mison kaya kung ano-ano ngayon ang nagiging bulilyaso ng ahensiya?

Alam naman natin na may relationship na suwerte at may malas din ‘di ba?

 Sige Sen. Bam Aquino, paki-imbestigahan mo na sa senado ang isyung ito at baka sakaling ito na ang maging daan para tumuwid ang daan sa bureau.

Alalahanin mo, larong DOTA ang issue at alam naman ng lahat na malapit ang puso ni PNOY sa marurunong ng larong ‘yan?!

Acheche!!!      

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *